
(Verse 1) Kamukha mo si Paraluman No'ng tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-boogie man o cha-cha Ngunit ang paborito Ay pagsayaw mo ng El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig-balahibo (Pre-Chorus) Pagkagaling sa 'skuwela ay dederetso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako. (Chorus) Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay (Verse 2) Naninigas ang aking katawan 'Pag umikot na ang plaka Patay sa kembot ng bewang mo At pungay ng 'yong mga mata Lumiliwanag ang buhay Habang tayo'y magkaakbay At dahan-dahang dumudulas Ang kamay ko sa makinis mong braso, ooh (Pre-Chorus) Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko (Chorus) Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay (Interlude) La-la-la-la, la-la La-la, la-la-la (Verse 3) Lumipas ang maraming taon 'Di na tayo nagkita Balita ko'y may anak ka na Ngunit walang asawa Tagahugas ka raw Ng pinggan sa may Ermita At isang gabi'y nasagasaan Sa isang madilim na eskinita, ha (Pre-Chorus) Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw (Chorus) Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay (outro) La-la-la-la, la-la La-la, la-la-la La-la-la-la, la-la La-la, la-la-la
Generate Voiceovers & songs with AI
ライブラリ内の300以上のさまざまな声でオーディオを作成できます。

AIソングライブラリへようこそ。革新的な人工知能と創造的表現が出会う次世代の音楽制作です。ジャンル、ムード、言語を超えたユーザー生成のAI楽曲を豊富に探索できます。アンビエントやシネマティックなサウンドスケープから、アップビートなポップや深く共鳴するトラックまで、AI駆動の技術がユニークで高品質な音楽を生み出し、あらゆるプロジェクトや個人の楽しみにも最適です。
コンテンツクリエイター、ゲーム開発者、ポッドキャスター、または単に音楽好きの方でも、AI駆動の楽曲ライブラリはすべての人に何かを提供します。各トラックは高度なAI技術で作られ、リアルな音質と自然な感触を実現し、独自のニーズに合わせたカスタマイズが可能です。バックグラウンドスコアからインスピレーションあふれるサウンドトラックまで、プラットフォーム上でAI音楽の多様性と深みを発見してください。
今すぐAIソングライブラリを閲覧し、最先端AI技術で作られたユーザー生成音楽を探検しましょう。コンテンツに最適なサウンドトラックを見つけ、革新的なサウンドスケープでプロジェクトを高め、音楽制作の未来を体験してください。