Lyrics
Minsahe ni Alice Guo para sa mga Pilipino
Sa lahat ng aking minamahal na Ka-Bamban, sa lahat ng patuloy na sumusuporta at naniniwala sa ating kapasidad na makapaglingkod sa bayan ng Bamban, nagpapasalamat po ako sa inyong walang sawang pagmamahal at tiwala. 🩷🩷🩷
Pinag-isipan ko po ito nang mabuti at nang maraming beses. Despite all the challenges and hurdles I am currently facing, naniniwala ako na malalagpasan ko ito, nais ko pong hingin ang panahon na ito upang maisaayos at maipagtanggol ang aking sarili laban sa mga kaso at akusasyon na ibinabato sa akin. Malaking tulong po ang inyong dasal upang makamit ko po ang hustisya. Kayo po ang nagbibigay ng lakas at tibay na harapin ang bawat araw. 🩷🩷🩷
Alam ko po marami sa inyo ang nagnanais na ako ay humabol bilang Mayor sa darating na 2025 sa ating bayan. Sana po ay maunawaan ninyo ako sa aking naging desisyon na ipagpaliban ito. Hindi po ibig sabihin nito ay iniwan ko kayo, maaring sa ibang panahon, sa ibang oras at sa ibang pagkakataon ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataong makasama kayong muli. I believe that God has a special way of doing things. 🩷🩷🩷
I will continue to pray for our town, at araw-araw po akong magpapasalamat sa inyong pagmamahal, pagtitiwala, at pagsuporta sa aking kasalukuyang pinagdadaanan. Ramdam na ramdam ko po ang inyong pagmamahal. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pag-intindi. Mahal na mahal ko po ang bayan ng Bamban. 🩷🩷🩷
Sa kagalang-galang na miyembro ng Senado at Kongreso ng ating bansang Pilipinas,
pinagdududahan ninyo man na pinanganak ako dito, wala po akong magagawa doon, pero pwede kong patunayan sa inyo na gusto kong dito na ako mamamatay at dito ko pipiliing mamatay. Kaya ko ring ipaglaban ang Pilipinas kahit kapalit pa ang buhay ko.
Kung may dugo man akong Chinese at nagkakaroon ngayon ng kuwestiyon sa aking nationality, at tatanungin niyo ako, sa harap ng buong Pilipinas ay sinasabi ko po na mas pinipili ko na maging Pilipino ako. Sa puso at sa diwa ay Pilipino ako. Dito na ako lumaki, nagkahanap-buhay, minahal ng mga tao at ang kulturang kinagisnan ko.🩷🩷🩷
Gaya rin ng sinabi ko kanina, dito ko rin pipiliing ipikit ang aking mga mata pagdating ng panahon na itinakda sa akin ng Diyos.
Mahal ko po ang Pilipinas!
My heart will always belong to Bamban!
Miss ko na po kayo! Mga lolo, lola, tito, tita, ate, at kuya ko!!! See you all soon po!!! Hindi po ako spy! Mahal ko po ang bansa!